Ang anak ay hindi mabubuhay na wala ang ina.Siyam na buwan sa sinpupunanan, magkasama lagi simula pa noong nasa tiyan. Kahit ano ay gagawin ng ina para sa kanyang anak, kapag ito ay may sakit hindi mapakali ang ina tila siya rin ay nahihirapan. Kapag ito ay nasasaktan ay kirot sa puso ang nadarama ng ina. Sabi nga nila, walang nakakatiis na magulang sa anak lalo na ang ina. Lahat ng paraan ay gagawin ng ina para sa kanyang anak, ang abi ay gagawing araw upang may maitustos lang sa anak.
Dakilang Ina
(Tula para sa aking Ina-Mother’s Day)
Sa lahat ng regaling aming natanggap
Ikaw aming Ina ang pinakamahalaga,
Ang katulad mo ay walang katumbas
Ikaw ay biyayang tanging kaloob ng Diyos sa amin.
Ikaw aming Ina ang pina-da Best
Walang kapantay ang iyong pagmamahal
sa aming mga anak ay iyong ipinadama
Sa pagiging matiyaga, maunawain mo kami’y hangang-hanga sayo.
Ngunit kung minsan kami’y iyong napapagalitan, at kung minsan din hindi maipinta ang iyong sarili
Okey lang yun sapagkat dama naman naming na kaya mo nagagawang kami’y pagalitan, ay sapagkat mahal mo kami at ayaw mong mapahamak.
Maraming salamat, aming Ina sa mahigit dalawampu’t limang taon
Na iyong walang sawang pag-aaruga at pagpapadama ng iyong pagmamahal.
Lahat ng itinuro mo ay hindi malilimutan
Na iyong ipinadama sa amin ay aming nanamnamin at aming pamamarisan.
Sa iyong pagtanda ay wag mag-alala bagkus umasa ka aming Ina sa aming pagkalinga ay iyong mararamdaman
Panahon na upang kabutihan at pagmamahal mo ay aming suklian nang marubdob na pag-aaruga para sa tulad mong dakilang Ina.
Oh!Poong Maykapal lubos ang aming pasasalamat
Sapagkat ibinigay moa ng tulad ng aming Ina.
Wala na kaming mahihiling pa kundi ang bigyan pa sya ng mahabang buhay upang
Sa tuwinay aming masilayan sya at upang maipdama ang aming pagmamahal
Bilang gantimpala sa kanya, sa aming uliran at dakilang INA.
MGA KATANGIAN NG ISANG DAKILANG INA | ||||
Lahat ng bagay na inaakala niyang makakatulong para sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan ng mga ito ay nakahanda niyang harapin, hanapin at ibigay. Siya ang nakakaalam ng mga activities ng bata sa school, nakikipag-usap sa mga teachers hinggil sa kalagayan nito bilang mag-aaral, nagluluto at naghahanda ng pagkain nito, tumitingin kung maayos ang hitsura at pananamit ng mga at iba pang makabuluhang bagay na sa tingin ng iba ay magaan o mababaw lang. Kung alam lang nila na ang layunin ng ating mga ina ay maging ‘the best’, maibigay ang mga bagay na hindi sila nabigyan ng pagkakataong magkaroon dati o kaya’y maiiwas ang mga ito sa mga pagkakamaling pinagdaanan nila noon. Gayunman, kadalasang sa likod ng pagnanais na maging ‘perpekto’ sa paningin ng mga anak ay nakakaligtaan ng mga mommies ang tunay na kahulugan ng mother & child relationship. Kahit sabihin pang para sa kapakanan ng mga bata ang ginagawa nila, hindi nila namamalayang kalaunan pala ay hindi na pag-aalaga kundi pagpapatakbo na ng buhay ng mga anak ang pinagtutuunan nila ng pansin. Kung paanong sa halip na maging manager ay magiging caregiver bilang tunay na kahulugan ng pagiging ina, narito ang suhestiyon ng Abante Istayl Atbp. ayon na rin sa sinulat ni Amy Mutcher para sa www.reviveyourlife.com: Marunong makinig Hindi lang alam kung kailan dapat magsalita, mas kailangang matutunan ng isang ina kung kailan niya dapat buksan ang kanyang puso at isipan para sa nais ipabatid ng mahal niyang anak. Sa totoo lang kahit sa katahimikan at pagsasawalang-kibo ng isang anak, ang isang tunay na ina ay may kakayahan pa ring marinig ang nais sanang sabihin nito. At sa halip na makialam at ipilit ang kanyang opinyon, mas mainam ang maiparamdam sa kanila na nandiyan ka, na okey lang ang nararamdaman nila at naiintindihan mo sila. May paninindigan Kung magiging consistent ang ina sa kanyang mga ginagawa, sa paraan ng pagdisiplinang kanyang pinaniniwalaan at sa iba pang bagay, tiwala at paninindigan ang magiging kahulugan nito para sa mga anak. Sa proseso ay malalaman ng mga anak kung ano ang dapat niyang asahan sa mga kaso ng paglabag sa consistencies na nauna nang na-establish sa buhay nila. May kakayahang tumawa Kahanga-hanga ang isang ina na may kakayahang pagaanin ang mabibigat na pasanin at gawing madali ang mahirap na mga sitwasyon. Automatic na reaction ang tumawa sa mga nakakatuwang bagay ngunit ang katatagan, pagtanggap at pagpapakita ng kapanatagan sa gitna ng kabiguan at pagdurusa alang-alang sa mga anak ay isang kakayahang hindi basta napag-aaralan. Walang sawang nagmamahal Hindi lang sa gawa, ang pagsasabi ng ‘I love you’ sa mga anak ay mabisang confirmation na hindi dapat kaligtaan basta’t may pagkakataon. Handang magbahagi ng kaalaman Maliban sa pagiging tutor pagdating sa mga aralin sa eskuwela, ang isang nanay ay nakahandang ibahagi ang kanyang mga expertise pagdating sa mga gawaing buhay at iba pang kaalamang alam niyang makakatulong sa pagtahak ng mga anak sa kani-kanilang buhay in the future. In fact, nakahanda siyang ipursige ang mga bagong kaalaman upang siya mismo ang magbahagi sa kanyang anak. May isang salita Kung meron mang hindi klik sa mga kabataan ngayon ay ang mga taong walang ginawa kundi sabihing ganito o ganyan ang dapat pero sila mismo ang hindi sumusunod dito. Matalino na ngayon ang bagong henerasyon kung kaya ang paninindigan sa bawat sinabi ang pinakamabisang susi para makuha ang kanilang trust. May pagpapahalaga sa oras Sa kabila ng mabilis na takbo ng panahon at samu’t saring bagay na umaagaw ng atensyon ng magkakapamilya sa isa’t isa, ang isang dakilang ina ay gagawa at gagawa ng paraan upang makaagaw ng sandali at magugol ito para sa pagpapatatag ng pamilya. Hindi takot mag-sorry Ang mga magulang ay mga tao rin at hindi perpekto. Hindi kakulangan para sa isang ina ang umako ng kasalanan at humingi ng paumanhin kung kinakailangan. Hindi madali para sa isang ina ang magkaroon ng matatag at matiwasay na relasyon sa kanyang mga anak. Pero isa ito sa maituturing na pinakamabigat niyang papel hindi lamang sa loob ng tahanan kundi kung saan naroon ang kanyang mga mahal sa buhay. Dedikasyon, maingat na pagpaplano at matinding sakripisyo ang katumbas ng lahat. |
FIILIPINOTEK
Mga Larawn galing sa Google